Shop For
AT&T Mag-Aalok Ng Bagong Koleksyon Ng Mga Mobile Broadband Netbook Ng Online At Sa Mga Tindahan Nito Sa Buong Bansa
AT&T ConnecTech Service Inilunsad Din Sa 2,200 Tindahan
DALLAS, Hulyo 20, 2009 — Inanumsiyo ngayon ng AT&T* ang pagdadagdag sa koleksyon ng mga mobile netbook nitong pang-broadband. Ang mga bagong aparato, na mabibili ng online at sa mga tindahan sa susunod na mga araw, ay nagtatampok ng tatlong ultra portable na mobile broadband netbook – isang Acer Aspire One, ang Dell Inspiron Mini 10, at ang Lenovo S10.
Inanunsiyo rin ng AT&T na sisimulan na nitong ialok ang mga serbisyong AT&T ConnecTech® na sinadya para sa mga kostumer ng netbook sa mahigit sa 2,200 tindahan nito, nagkakaloob ito ng tatlong opsiyon ng pagsuporta sa mga netbook na binili mula sa AT&T, at may mga presyong nagsisimula sa $99 para sa remote (wala sa bahay) na suportang online hanggang $199 para sa in-home (nasa bahay) na suportang teknikal.
Mga Netbook mula sa AT&T
Iaalok ng AT&T ang Acer Aspire One sa lahat ng mga tindahan sa buong bansa. Ang Dell Inspiron Mini 10 at Lenovo S10 ay mabibili sa ilang tindahan at malapit nang mabili ang lahat ng ito ng online sa www.att.com at sa iba pang pamamaraang kaliwaan ang pagbenta. Ang mga netbook ay magkakahalaga ng $199.99 makaraang ipakoreo ang rebate (diskuwento) sa pamamagitan ng AT&T Promotion Card na may dalawang taon na kontrata sa serbisyo (tingnan sa ibaba para sa karagdagang patakaran).
Ang mga netbook ay may 10-pulgada (inch) na mga screen at wala pang 3 libra (pounds) ang timbang. Kinakailangan ang pagpapakabit ng pang-dalawang taon na planong AT&T DataConnect para makuha ang pang-promosyonal na presyo ng netbook – kabilang ang isang 200MB plan na nagkakahalaga ng $40 bawat buwan o isang 5GB plan na nagkakahalaga ng $60 bawat buwan. Handog ng mga planong AT&T DataConnect sa mga mamimili at mga subscriber ng pang-maliit na negosyo ang paggamit sa pinakamabilis na 3G mobile broadband network, kasama ng unlimited na paggamit sa serbisyong AT&T Wi-Fi, na may mahigit sa 20,000 hot spot sa buong bansa.
“Patuloy na umaakit ng mga mamimili at mga kostumer ng maliliit na negosyo ang magagaan at konektadong netbook,” paglalahad ni David Christopher, chief marketing officer, AT&T Mobility and Consumer Markets. “Inaasahan namin na, kapag ipinares sa AT&T home broadband, sa Wi-Fi, at sa pinakamabilis na 3G mobile broadband network ng bansa, malaki ang kanilang magiging paghikayat sa mga abala, at laging lumalakad na mamimili at mga nagtatrabahong propesyunal. Naghahanda kami ng imbentaryo ng mga pinakabago at pinakakonektadong aparato."
Ang manipis at magaang Acer Aspire One ay may timbang na 2.53 libra (pounds) at kargado ito ng Intel Atom processor, Microsoft Windows XP Home, isang 160GB na hard drive, 1GB na memory, suporta para sa high definition audio na may stereo speakers, built-in na webcam na may kakayahang video conferencing, at maraming ports para sa pagkabit ng mga hiwalay na aparato.
Ang Dell Inspiron Mini 10 ay may timbang na 2.86 libra (pounds) at kargado ng Microsoft Windows XP Home, isang 160GB na hard drive, 1GB na memory, built in na webcam, Intel Graphics Media Accelerator at integrated (built-in) na audio.
Sinusuporta ng Lenovo S10 ang manipis at magaang paggamit sa computer, may sukat na wala pang 10 pulgada (inch) at may timbang na 2.63 libra (pounds). Para sa karanasang laging-konektado, tampok ng netbook ang 3G at WiFi at kasama ang 1GB na memory, 160GB na storage, Microsoft Windows XP Home at built-in na webcam. Ang mga karagdagang kakayahan tulad ng VeriFace na teknolohiya sa pagkilala ng mukha ay nagpapabilis at nagpapadali sa pag-log on, at pinadadali ng multitouch touchpad ang pagpalipat-lipat sa mga web page.
Ang balitang ito ay sumusunod sa kamakailang pag-anunsiyo ng AT&T, na nagbigay-diin sa pagkahandang mabili ng maliliit na negosyo sa mga netbook at laptop ng Acer, HP at Panasonic, na may embedded wireless technology ng AT&T , sa pamamagitan ng pagkakaisa ng kumpanya sa CDW, isang tagapaglaan ng mga solusyong pang-teknolohiya.
Serbisyong AT&T ConnecTech
Ang serbisyong AT&T’s ConnecTech ay nagbibigay ng sunod-na-araw na serbisyo sa mismong bahay mo, 24/7 remote support (wala sa bahay) para sa pag-install ng teknolohiya, at mga serbisyong pagkumpuni at pagsuporta. Makapipili ang mga mamimili mula sa tatlong inaalok sa alinman sa 2,200 tindahan, kasama ang:
Bilang karagdagan, inaalok ng kumpanya para sa maliliit na negosyo ang AT&T Tech Support 360SM, na nagkakaloob ng 24/7 na suportang online, kabilang na sa pag-set up, pagkumpigura, pagkumpuni at pagpapahusay sa paggana ng mga PC, mga laptop, mga Wi-Fi network at mga nakakabit na aparatong wireless.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin kami sa isang tindahan ng AT&T o online sa www.att.com/netbooks o www.att.com.
*Ang mga produkto at serbisyo ng AT&T ay ibinibigay o inaalok ng mga sangay at kasosyo ng AT&T Inc. na gamit ang tatak ng AT&T at hindi mismong AT&T Inc.
Sandaling panahon lamang ang alok na ito. Ipinatutupad ang ibang kondisyon at ipinagbabawal. Basahin ang kontrata, polyeto ng plano sa singil at form ng diskuwento sa tindahan para sa mga detalye. Ang subscriber ay kinakailangang naninirahan at may address pang-koreo na nasasaklawan ng serbisyong AT&T wireless network. May ipinatutupad na singil sa pagsa-aktibo na aabot ng $36. Ang halaga at pagkahanda ng mga kagamitan ay maaaring magbago batay sa merkado at maaaring hindi mabibili mula sa hiwalay na mga tagapagbenta. Singil sa Maaagang Pagpapaputol: Wala kung ikansela sa loob ng unang 30 araw, ngunit maaaring singilin para sa muling pag-stock (sa aparato); mula roon ay aabot ng hanggang $175. Ang ilang ahente ay nagpapataw ng karagdagang singil. AT&T Promotion Card: Magbigay ng 60 araw para maipatupad. Kinakailangan kang maging kostumer ng 30 sunod-sunod na araw para makatanggap ng Promotion Card. Ang card ay may-bisa ng 120 araw kung saanman tinatanggap ang mga pangunahing credit cards. Maaari itong ipambayad sa bill ng wireless. Hindi matutubos bilang cash at hindi magagamit sa mga ATM o mga gasolinahan. May ilang ipinagbabawal at iba pang sinisingil na ipapatupad. Basahin ang mga patakaran sa tindahan o sa att.com/wirelessrebate.
Mga Serbisyong AT&T ConnecTech: Para sa mga pang-residensyal na kostumer lamang; Sandaling panahon lamang inaalok; Dagdag ang mga buwis at multa; ipinatutupad ang mga patakaran at kondisyong may-kinalaman lamang sa serbisyo, tingnan ang www.att.com/ConnecTechTOS.
Tungkol sa AT&T
AT&T Inc. (NYSE: T) ay isang nangungunang kumpanya sa komunikasyon. Ang mga sangay at kasosyo nito – mga kumpanyang kumikilos sa ilalim ng AT&T – ay mga tagapaglaan ng mga serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Gamit ang napakalakas na hanay ng mga pinagkukunang network na kabilang ang pinakamabilis na 3G network ng bansa, ang AT&T ay nangungunang tagapaglaan ng serbisyong wireless, Wi-Fi, high speed na Internet at voice. Handog ng AT&T ang pinakamahusay na saklaw sa buong mundo, handog ang pinakamaraming wireless na telepono na gumagana sa pinakamaraming bansa. Handog din nito ang mga serbisyong advanced TV sa mga tatak na AT&T U-verseSM at AT&T │DIRECTVSM. Ang hanay ng mga serbisyong pang-negosyo na nakatuon sa IT ay isa sa pinakaprogresibo sa mundo. Sa mga lokal na merkado, kilala ang mga organisasyong Yellow Pages ng AT&T at YELLOWPAGES.COM sa kanilang pangunguna sa paglilimbag ng direktoryo at sa kinikita sa pag-advertise sa kanila. Noong 2009, muling naitalang No. 1 ang AT&T sa industriya ng telekomunikasyon sa listahan ng FORTUNE® magazine na World’s Most Admired Companies.
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at sa mga produkto at serbisyong inilalaan ng mga sangay at kasosyo ng AT&T ay makukuha sa www.att.com. Ang AT&T news release na ito at iba pang anunsiyo ay makukuha sa www.att.com/newsroom at bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss. O sundan ang mga balita namin sa Twitter sa @ATTNews. Tingnan kami sa Facebook at www.facebook.com/ATT para matuklasan ang marami pa tungkol sa mga serbisyo naming pang-mamimili at wireless o sa www.facebook.com/ATTSmallBiz para matuklasan ang marami pa tungkol sa mga serbisyo namin para sa maliliit na negosyo.
©2009 AT&T Intellectual Property Lahat ng karapatan ay inilalaan at pinanghahawakan. Ang AT&T, ang logo ng AT&T at lahat ng iba pang tatak na nilalaman ng lathalang ito ay mga tatak-kalakal ng AT&T Intellectual Property at/o ng mga kumpanyang may kaugnayan sa AT&T. Ang ibang mga tatak-kalakal na nandirito ay pawang mga pag-aari ng kani-kaniyang kumpanya.
Hayag Ng Babala Tungkol Sa Mga Pahayag Na Pang-hinaharap
Ang impormasyong itinakda sa press release na ito ay nagtataglay ng mga tantiya sa pananalapi at iba pang pahayag na panghinaharap na dumadaan sa pagsasapalaran at di-katiyakan, at ang mga aktuwal na resulta ay maaaring mag-iba ng nilalaman. Ang talakayan ng mga elementong maaaring makaapekto sa kalalabasan sa hinaharap ay nasa mga papeles ng AT&T sa Securities and Exchange Commission. Tinatalikdan ng AT&T ang anumang obligasyon na i-update at baguhin ang mga pahayag na nilalaman ng balitang ito batay sa bagong impormasyon o anupaman.