Shop For

Balita

Inaanunsiyo ng AT&T Foundation ang hanggang $500,000 na Tulong Pangsakuna sa Mga Napinsala ng Lindol

Programang Pangtapat sa Handog ng Empleyado para Makatulong sa Pagsagot Sa Mga Agarang Pangangailangan sa Timog-Kanlurang Tsina

SAN ANTONIO, May 19, 2008 — Inaanunsiyo ngayon ng AT&T Inc. (NYSE:T) na ang AT&T Foundation, ang organisasyon ng AT&T sa pagkakawanggawa, ay magbibigay ng hanggang $500,000 na pondong pangtapat upang makatulong sa pagbibigay lingap sa mga lugar na naapektuhan ng lindol kamakailan sa Timog-Kanlurang Tsina.

Tatapatan ng AT&T Foundation ang ambag ng mga full-time na empleyado at mga kwalipikadong retirado para makatulong sa mga grupong nagbibigay-tugon at ayuda sa Tsina, na aabot sa $500,000 ang pondong pangtapat. Ang pangtapat na handog ng AT&T Foundation ay itutuon sa American National Red Cross International Response Fund.

“Ang puso namin ay nakikiramay sa mga naapektuhan ng trahedyang ito," lahad ni AT&T Chairman at CEO Randall Stephenson. “Karangalan ng AT&T Foundation na ipaabot ang kabutihang-loob ng aming mga empleyado sa pamamagitan ng pagtumbas sa kanilang mga ambag para sa tulong sa Tsina.”

Hatid ng American National Red Cross International Response Fund ang agarang tulong at pangmatagalang suporta sa pamamagitan ng mga supply, tulong teknikal at iba pang suportang makakatulong sa mga nangangailangan. Ang salaping naipon ng mga empleyado at retirado ng AT&T ay gagamiting suporta sa tulong na mapagkawanggawa at ayuda para sa muling-pagbangon ng mga residente na mga lugar na naapektuhan.

Tungkol sa Pakikipagkawanggawa sa AT&T
Ang AT&T Inc. (NYSE:T) ay nangakong isusulong ang edukasyon, patatagin ang mga komunidad at pabutihin ang buhay. Sa pamamagitan ng mga inisyatiba sa pakikipagkawanggawa at pakikipagtulungan, sinusuportahan ng AT&T ang ang mga proyektong nakakalikha ng pagkakataon na matuto; nagtataguyod sa pagkamit ng tagumpay sa pag-aaral at sa paghahanap-buhay, at ang makatulong sa mga pangangailangan ng komunidad. Noong 2007, nagbigay ang AT&T ng mahigit sa $164 milyon sa pamamagitan ng mga programa sa pagbibigay na pang-kumpanya-, pang-empleyado- at sa AT&T Foundation. Ang AT&T at ang AT&T Foundation, ang organisasyon ng AT&T sa pagkakawanggawa, ay may pinagsamang mahigit sa $1.9 bilyon ng mga makasaysayang pangako sa pakikipagkawanggawa sa mga komunidad sa buong bansa.

Tungkol sa AT&T
Ang AT&T Inc. (NYSE:T) ay isang nangungunang kumpanya sa komunikasyon. Ang mga tanggapan at kasosyo nito, mga kumpanyang kumikilos sa ilalim ng AT&T, ay mga tagapaglaan ng mga serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Kabilang sa kanilang mga inaalok ay ang pinakabagong IP-based na serbisyo sa komunikasyong pang-kalakal sa mundo at ang nangunguna sa wireless, high speed Internet at voice service. Sa lokal na merkado, kilala ang AT&T sa paglimbag ng direktoryo at sa pangunguna sa advertising ng kanilang Yellow Pages at YELLOWPAGES.COM, at ang tatak na AT&T ay lisensyado sa mga tagasulong ng pagbabago sa larangang ng kagamitang pang-komunikasyon. Bilang bahagi ng three-screen integration strategy nito, ang AT&T ay pinalalago ang mga handog nito sa larangan ng libangang pang-telebisyon (TV entertainment). Noong 2008, ang AT&T ay muling itinanghal na No. 1 sa listang “World's Most Admired Telecommunications Company” ng Fortune at No. 1 sa listang “America's Most Admired Telecommunications Company”. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at sa mga produkto at serbisyong inilalaan ng mga kapwa-kalakal at kasosyo ng AT&T ay matatagpuan sa

© 2008 AT&T Intellectual Property. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang AT&T at logo ng AT&T ay mga tatak-kalakal ng AT&T Knowledge Ventures. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring repasuhin ang anunsiyong ito sa newsroom ng AT&T at sa www.att.com/newsroom.

Paalala: Ang lathalaing ito ng AT&T at iba pang anunsiyo't balita ay magagamit bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring repasuhin ang anunsiyong ito sa newsroom ng AT&T at sa www.att.com/newsroom.