Shop For

Esther Lee, Pinangalanan Ng AT&T Bilang Senior Vice President Ng Brand Marketing At Advertising

Dallas, Texas, Mayo 29, 2009 – Inanunsiyo ngayon ng AT&T* ang pagkakatalaga kay Esther Lee bilang senior vice president-Brand Marketing and Advertising ng AT&T Operations, Inc. Sa kabubuo pa lamang na posisyong ito, pangangasiwaan ni Lee ang lahat ng pag-market at pag-advertise sa tatak (AT&T), at mga estratehiyang makabago at pang-media para sa pinakamalaking kumpanya ng telecoms sa mundo.

“Ikinalulugod naming makasama ang isa sa mga nangunguna sa larangan ng pag-market at pag-advertise ng tatak, na maging bahagi ng AT&T sa panahong hinuhubog ng mga makabagong teknolohiyang mobile at Internet ang pamamaraang ginagamit ng mga tao sa pakikipag-ugnayan,” pahayag ni Cathy Coughlin, senior executive vice president at global marketing officer ng AT&T Inc. “Si Esther ay may napakahusay na kasaysayan sa pangangasiwa sa pangdaigdigang tatak (global brand), estratehikong pagpapatupad at husay sa pagkamalikhain, at siya ay isang napakalakas na karagdagan sa ating pamunuan.”

Bago sumali sa AT&T, nanungkulan si Lee bilang Chief Executive Officer ng North America at President ng Global Brands para sa Euro RSCG Worldwide, kung saan naging tungkulin niya ang pangangasiwa sa 23 kumpanya ng serbisyo ng network sa pag-market at pag-advertise sa North America, at 42 na pandaigdigang tatak (global brands). Bago pa iyon, nanungkulan siya bilang Global Chief Creative Officer para sa The Coca-Cola Company kung saan pinamunuan niya ang makabagong estratehiya, at ang pagpapaunlad sa mga kampanyang ganap na pinagsama-sama para sa mga pandaigdigang tatak, at mga gabay sa pagpapatupad para itaguyod sa kanilang pangdaigdigang paggamit.

“Para sa isang naniniwala sa kapangyarihan ng tatak na isulong ang halaga ng pagiging shareholder, wala akong maisip na mas kapana-panabik pang pagkakataon o mas tamang panahon para pangunahan ang pagsisikap na ito sa AT&T,” pahayag ni Lee. “Ang bilis ng pagbabago sa industriya at ang ating pangunguna dito ang magpapahintulot sa AT&T na makapagbigay ng panibagong uri ng sosyohan sa pagitan ng tatak at ng milyun-milyong bilang ng tao. Kinasasabikan ko ang pagsali sa Fortune 10 na kumpanyang ito sa pagsusulong sa tatak, husay sa pagiging makabago at pagsasagawa, bilang pagtaguyod sa pakikitungo sa mga kostumer sa bawat pagsubok.”

Si Lee ay itatalaga sa AT&T headquarters sa Dallas.

*Ang mga produkto at serbisyo ng AT&T ay ibinibigay o inaalok ng mga sangay at kasosyo ng AT&T Inc. na gamit ang tatak ng AT&T at hindi mismong AT&T Inc.

Tungkol sa AT&T

AT&T Inc. (NYSE: T) ay isang nangungunang kumpanya sa komunikasyon. Ang mga sangay at kasosyo nito – mga kumpanyang kumikilos sa ilalim ng AT&T – ay mga tagapaglaan ng mga serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Gamit ang napakalakas na hanay ng mga pinagkukunang network na kabilang ang pinakamabilis na 3G network ng bansa, ang AT&T ay nangungunang tagapaglaan ng serbisyong wireless, Wi-Fi, high speed na Internet at voice. Handog ng AT&T ang pinakamahusay na saklaw sa buong mundo, handog ang pinakamaraming wireless na telepono na gumagana sa pinakamaraming bansa. Handog din nito ang mga serbisyong advanced TV sa mga tatak na AT&T U-verseSM at AT&T │DIRECTVSM. Ang hanay ng mga serbisyong pang-negosyo na nakatuon sa IT ay isa sa pinakaprogresibo sa mundo. Sa mga lokal na merkado, kilala ang mga organisasyong Yellow Pages ng AT&T at YELLOWPAGES.COM sa kanilang pangunguna sa paglilimbag ng direktoryo at sa kinikita sa pag-advertise sa kanila. Noong 2009, muling naitalang No. 1 ang AT&T sa industriya ng telekomunikasyon sa listahan ng FORTUNE® magazine na World’s Most Admired Companies.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at sa mga produkto at serbisyong inilalaan ng mga sangay at kasosyo ng AT&T ay makukuha sa www.att.com. Ang AT&T news release na ito at iba pang anunsiyo ay makukuha sa www.att.com/newsroom at bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss. O sundan ang mga balita namin sa Twitter sa @ATTNews. Tingnan kami sa Facebook at www.facebook.com/ATT para matuklasan ang marami pa tungkol sa mga serbisyo naming pang-mamimili at wireless o sa www.facebook.com/ATTSmallBiz para matuklasan ang marami pa tungkol sa mga serbisyo namin para sa maliliit na negosyo.

©2009 AT&T Intellectual Property Lahat ng karapatan ay inilalaan at pinanghahawakan. Ang AT&T, ang logo ng AT&T at lahat ng iba pang tatak na nilalaman ng lathalang ito ay mga tatak-kalakal ng AT&T Intellectual Property at/o ng mga kumpanyang may kaugnayan sa AT&T. Ang ibang mga tatak-kalakal na nandirito ay pawang mga pag-aari ng kani-kaniyang kumpanya.

Hayag Ng Babala Tungkol Sa Mga Pahayag Na Pang-hinaharap

Ang impormasyong itinakda sa press release na ito ay nagtataglay ng mga tantiya sa pananalapi at iba pang pahayag na panghinaharap na dumadaan sa pagsasapalaran at di-katiyakan, at ang mga aktuwal na resulta ay maaaring mag-iba ng nilalaman. Ang talakayan ng mga elementong maaaring makaapekto sa kalalabasan sa hinaharap ay nasa mga papeles ng AT&T sa Securities and Exchange Commission. Tinatalikdan ng AT&T ang anumang obligasyon na i-update at baguhin ang mga pahayag na nilalaman ng balitang ito batay sa bagong impormasyon o anupaman.