Shop For

Balita

Ipinakikilala ng AT&T at Apple ang Simple at Abot-Kayang Planong Serbisyo para sa iPhone
Kasama Sa Lahat ng Plano ang Walang Limitasyong Data at Visual na Voicemail

Atlanta , Georgia, Cupertino, California, Hunyo 26, 2007

Ipinakilala ngayon ng AT&T at ng Apple ang tatlong simple at abot-kayang planong serbisyo para sa iPhone na nagsisimula sa $59.99 lamang kada buwan. Lahat ng tatlong plano ay may kasamang walang limitasyong data, Visual na Voicemail, 200 SMS mensaheng text, mga roll-over na minuto, walang limitasyon na mobile-to-mobile na pagtawag at ispesipikong dami ng minutong-boses. Dahil kasama na ang lahat, ang mga customer ng iPhone ay madaling makakapili ng planong tama para sa kanila base sa dami ng minutong boses na ibig nilang magamit kada buwan. Maaari ding pumili ang mga customer ng iPhone sa kahit na anong pangkaraniwang planong serbisyo ng AT&T.

"Ang AT&T ang may pinakamalaking network ng boses at data sa America, ang

pinakamalaking mobile-to-mobile na komunidad sa pagtawag at pinakakonting napuputol na tawag," sabi ni Randall Stephenson, chairman at CEO, AT&T. "Ang AT&T ay namuhunan ng mahigit $16 bilyon na dolyares sa wireless network nito mula 2005 hanggang 2007, ang ang mga customer ng iPhone ay makakatanggap ng pinakamahusay sa network ng boses at data sa buong bansa."

"Ibig naming gawing simple at madali ang pagpili ng planong serbisyo, kaya ang lahat ng

aming plano ay may kasamang walang limitasyon na data na may direktong access sa Internet, kasama na rin ang Visual na Voicemail at marami pang iba," sabi ni Steve Jobs, CEO ng Apple's.

"Sa aming palagay, ang tatlong planong ito ay magbibigay sa mga customer ng pagkakataon na maranasan ang lahat ng panibagong katangian ng iPhone sa abot-kaya at makakalaban na halaga.."

Lahat ng plano para sa iPhone ay may kasamang Visual na Voicemail, kaunaunahan sa

industriya, na hahayaan ang mga customer na makakita ng listahan ng kanilang voice mail, makapag-desisyon kung aling mensahe ang pakikinggan, at dumiretso sa mga mensaheng iyon nang hindi napapakinggan ang mga naunang mensahe. Katulad ng email, ang Visual na Voicemail sa iPhone ay nakakapagbigay paraan para ang gagamit ay makapunta agad at random na mapili ang mga mensahe na ibig niyang marinig. Di katulad ng ibang planong wireless na sumisingil ng dagdag na bayad para sa mga bagong katangian, walang dagdag na bayad para sa

Visual na Voicemail.

Ang iPhone ay nagpapakilala ng bagong interface para sa gagamit base sa rebolusyunaryong multi-touch na display at nangungunang bagong software na sa pamamagitan nito ay mako-kontrol ng gagamit ang iPhone sa pamamagitan lamang ng pag-tapik, pitik o kurot ng daliri. Pinagsasama ng iPhone ang tatlong produkto sa isang maliit at magaan na kasya sa kamay na kagamitan - rebolusyunaryong mobile na telepono, widescreen na iPod, at ang Internet sa iyong bulsa na may pinakamahusay na aplikasyong pang email, pang browse sa web at mapa sa mobile na telepono. Inaalalayan ng iPhone ang panahon ng lakas ng software at sopistikasyon na hindi pa nakikita sa isang kagamitang mobile, na buong nagbabago ng depinisyon ng mga nagagawa ng gagamit sa kanilang mobile na telepono.

Presyo at Kailan Mabibili

Sisimulang mabili ang iPhone sa 6:00 pm (lokal na oras) sa Biyernes, ika 29 ng Hunyo at mabibili sa U.S. sa mga tindahan at online na tindahan ng Apple at mga tindahan ng AT&T. Ang iPhone ay mabibili sa modelong 4GB sa halagang $499 (US) at modelong 8GB sa halagang $599 (US), at tatakbo gamit ang PC o Mac. Ang lahat ng buwanang planong serbisyo para sa iPhone ay para sa indibiduwal o pamilya at base sa dalawang-taong pinagkasunduang serbisyo sa AT&T. Ang mga planong indibiduwal ay nasa halagang $59.99 para sa 450 na minuto, $79.99 sa 900 na minuto at $99.99 sa 1,350 na minuto. May iba pang planong maaaring makuha. Lahat ng plano ay may kasamang walang limitasyon na data (email at web), Visual na Voicemail, 200 SMS na mensaheng text, roll over na minuto at walang limitasyong mobile-to-mobile at isang beses na bayad sa aktibasyon na $36.

Ang palabas na balitang ito ng AT&T at iba pang pahayag ay makukuha bilang parte ng RSS feed sa www.att.com/rss.

Tungkol sa Apple Ang Apple ang nagsimula sa rebulusyon ng personal computer noong 1970s sa pamamagitan ng Apple II at binago ang personal computer nung 1980s sa pamamagitan ng Macintosh. Ngayon, nananatiling nangunguna ang Apple sa pagbabago sa industriya sa pamamagitan ng mga computer nito na nananalo ng mga gantimpala, OS X na operating system at iLife at aplikasyong propesyonal. Pinangungunahan din ng Apple ang rebolusyong digital na media sa pamamagitan ng iPod portable na player ng musika at video at ang iTunes na online na tindahan, at papasukin nito ang merkadong mobile na telepono ngayong taong ito sa pamamagitang ng rebolusyunaryong iPhone

Tungkol sa AT&T AT&T Inc. (NYSE: T) ay pangunahing holding na kumpanya ng komunikasyon. Ang mga subsidiary at kaanib nito, mga kumpaniyang pinatatakbo ng AT&T, ay nagbibigay ng serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Kasama na sa mga produkto nila ang pinaka-advance na IP-based na serbisyong komunikasyong pang negosyo at ang nangungunang wireless, at high speed na Internet access at serbisyong boses. Sa domestikong merkado, ang AT&T ay kilala sa pag imprenta ng mga direktoryo at lider sa bentahan ng advertising sa pamamagitan ng Yellow Pages nito at mga YELLOWPAGES.COM na organisasyon, at ang AT&T na tatak ay lisensiyado sa mga nagbabago sa larangan ng kagamitang pang komunikasyon. Kasama sa three-screen na istratehiyang integrasyon, ang AT&T ay nagpapalago sa mga paghandog nito sa TV entertainment. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at mga produkto at serbisyo na binibigay ng mga subsidiary at kaanib ng AT&T ay makikita sa www.att.com.