Shop For

Balita

Ang AT&T Ay Maghahandog Ng Bagong-Henerasyong iPhone Sa High-Performance 3G Network Nito

Pinaghuhusay ng Broadband Speed at Mga Bagong Kakayahan ang Tanyag na Aparatong Mobile

Pinalalawak nang Husto ng $199 na Panimulang Singil ang Pagtanggap Dito ng Masa

Lalong pinalalawak ng Bagong Corporate E-Mail at mga Web Application ang Pagpasok ng iPhone sa Sektor ng Negosyo

SAN ANTONIO, June 9, 2008 — Inanunsiyo ngayon ng AT&T Inc. (NYSE:T) na sila ang bukod-tanging tagapaglaan sa U.S. para sa bagong iPhone 3G, inisa-isa ngayong araw ang mga detalye sa Worldwide Developers Conference ng Apple sa San Francisco.

Sa ilalim ng panibagong kasunduan sa Apple, nananatili ang AT&T na bukod-tanging tagapaglaan sa U.S. ng bagong iPhone, na magsisimulang magamit sa Hulyo 11 na may panimulang singil na $199 na may dalawang taong kontrata. Ipinagmamalaki ng iPhone 3G ang ilang malalaking pagpapahusay (enhancement), kabilang na ang:

  • '3G broadband wireless connectivity', na nagbibigay sa mga kostumer ng mala-broadband na bilis habang nagsu-surf sa Internet, nagpapalitan ng mga file at gumagamit ng mga Web application na hitik sa iba't-ibang media.
  • Mga kakayahang pang-negosyo, kabilang na ang e-mail, na nakikita sa aparatong malaki at touch-screen, at idinisenyo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kumpanya—maliliit man ito o malaki.
  • Ang kakayahan para sa mga developer, kabilang na ang AT&T, na lumikha ng mga pasadyang application na pang-negosyo gamit ang Apple software developer's kit (SDK).Ang kakayahan para sa mga developer, kabilang na ang AT&T, na lumikha ng mga pasadyang application na pang-negosyo gamit ang Apple software developer's kit (SDK).

Makakakuha ng mas maraming impormasyon ang mga kostumer tungkol sa iPhone 3G mula sa www.att.com/iphone.

Inaasahan ng AT&T na ang kaakit-akit na presyo ng iPhone 3G kabilang na ang maraming kakayahang pang-negosyong e-mail at iba pang application, kasama ng mala-broadband na bilis ng 3G network ng AT&T, ang magpapasigla sa pagdami ng subscriber at paglago ng kita — lalo na ng wireless data — at magpapatatag sa pagiging lider ng AT&T sa larangan ng wireless communications at sa pangmatagalan pag-unlad ng kompanya.

"Dadalhin ng iPhone 3G ang mobile communications at mobile computing sa isang bagong antas sa pamamagitan ng kahanga-hanga at pinag-isang 'user interface' at mahusay na karanasan sa paggamit ng Internet at mga paboritong application ng subscriber sa aming 3G wireless network sa bilis na hindi pa nahihigitan," saad ni Ralph de la Vega, presidente at chief executive officer ng AT&T Mobility. "Pagsamahin ang aming high-performance 3G broadband na wireless network, ang mga bagong kakayahang pang-negosyo ng iPhone at ang panimulang singil na $199, inaasahan ko na patuloy naming mapapalago ang kinikita mula sa bawat gumagamit at makakahikayat pa ng mga kostumer na pinaglalaanan ng husto ang wireless na mga aparato. Ang aparato ay binuo, at binigyan ng presyo, para maging mabenta."

Ipagbibili ng AT&T ang iPhone 3G sa mahigit na 2,200 tindahan at kiosk na pagmamay-ari ng kompanya, gayundin sa mga direct business sales team nito.

  • Sa kontratang dalawang taon, ang presyo ng isang 8GB na iPhone 3G ay $199; ang 16GB na modelo ay may presyong $299.
  • Ang planong Unlimited iPhone 3G data para sa mga kostumer ay makukuha sa halagang $30 isang buwan, bilang karagdagan sa mga voice plan na magsisimula sa halagang $39.99 isang buwan.
  • Ang mga planong Unlimited 3G data para sa mga gumagamit na pang-negosyo ay makukuha sa halagang $45 isang buwan, bilang karagdagan sa isang voice plan.

Tungkol sa AT&T
Ang AT&T Inc. (NYSE:T) ay isang nangungunang kumpanya sa komunikasyon. Ang mga tanggapan at kasosyo nito, mga kumpanyang kumikilos sa ilalim ng AT&T, ay mga tagapaglaan ng mga serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Kabilang sa kanilang mga inaalok ay ang pinakabagong IP-based na serbisyo sa komunikasyong pang-kalakal sa mundo at ang nangunguna sa wireless, high speed Internet at voice service. Sa lokal na merkado, kilala ang AT&T sa paglimbag ng direktoryo at sa pangunguna sa advertising ng kanilang Yellow Pages at YELLOWPAGES.COM, at ang tatak na AT&T ay lisensyado sa mga tagasulong ng pagbabago sa larangang ng kagamitang pang-komunikasyon. Bilang bahagi ng three-screen integration strategy nito, ang AT&T ay pinalalago ang mga handog nito sa larangan ng libangang pang-telebisyon (TV entertainment). Noong 2008, ang AT&T ay muling itinanghal na No. 1 sa listang "World's Most Admired Telecommunications Company" ng Fortune at No. 1 sa listang "America's Most Admired Telecommunications Company". Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at sa mga produkto at serbisyong inilalaan ng mga kapwa-kalakal at kasosyo ng AT&T ay matatagpuan sa

© 2008 AT&T Intellectual Property. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang AT&T at logo ng AT&T ay mga tatak-kalakal ng AT&T Knowledge Ventures. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring repasuhin ang anunsiyong ito sa newsroom ng AT&T at sa www.att.com/newsroom.

Paalala: Ang lathalaing ito ng AT&T at iba pang anunsiyo't balita ay magagamit bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring repasuhin ang anunsiyong ito sa newsroom ng AT&T at sa www.att.com/newsroom.