Shop For

IPHONE 3GS, IAALOK NG AT&T SA HUNYO 19

iPhone 3G Sa Halagang $99 Ay Magsisimula Ngayon
Handa Na Ang Pag-preorder Nang Online At Sa Mga Tindahan Ng AT&T Ng iPhone 3GS

DALLAS, Hunyo 8, 2009 – Inanunsiyo ngayon ng AT&T* na iaalok nito ang Apple iPhone 3GS, ang pinakamabilis, at pinakamalakas na iPhone sa ngayon, sa mga tindahan nitong pang-retail at pang-online mula Hunyo 19. Bilang karagdagan, sisimulan ng kumpanya na ibenta ang iPhone 3G sa halagang $99 para sa mga bago at kwalipikadong subscriber. Ang AT&T ay nananatiling pinakamabilis na 3G network sa bansa at may pinakamahusay na pandaigdigang pagsasaklaw sa lahat ng mga tagapaglaan sa U.S.**

Ang "iPhone 3GS ay ang pinakamabilis, at pinakamalakas na iPhone sa ngayon, at labis naming ipinagmamalaking ialok ito sa aming mga kostumer sa pinakamabilis na 3G network ng bansa," hayag ni Ralph de la Vega, President at CEO ng AT&T Mobility and Consumer Markets. "Ikinalulugod din naming ialok ang mga makabagong telepono at mga plano sa mga pambihirang halaga, kasama ang libreng Wi-Fi access sa halos 20,000 hot spot."

Batay sa hiwalay na pagsasaliksik sa merkado, dobleng bilang ng mga gumagamit ng smartphone ay pinili ang AT&T kaysa sa ibang tagapaglaan sa U.S. "Inaasahan ko ang magandang iPhone 3GS at $99 iPhone 3G sa aming mobile broadband network na maghuhudyat sa marami pang kostumer ng smartphone na piliin ang AT&T," pahayag ni de la Vega.

PRESYO

Iaalok ng AT&T ang 3GS at iPhone 3G sa maraming kahika-hikayat na presyo:

  • Ang iPhone 3GS ay magkakahalaga ng $199 (16GB) at $299 (32GB) para sa mga bago at kwalipikadong kostumer.
  • Ang iPhone 3G ay magkakahalaga ng $99 (8GB) para sa mga bago at kwalipikadong kostumer.
  • Ang 16 GB na iPhone 3G ay mabibili sa halagang $149 habang may mabibili pa.

Ang mga presyo sa itaas ay nangangailangan ng 2-taon na pagtatalaga sa serbisyo at aprubadong plano para sa voice at data. May mga opsiyong magagamit sa pagbili sa mga teleponong ito nang walang 2-taon na pagtatalaga.

PAG-PREORDER

Maaaring mag-preorder ng iPhone 3GS ang mga kostumer simula 5 p.m. ET ngayon sa mahigit 2,200 tindahang pagmamay-ari ng AT&T o mamayang gabi sa www.att.com/iphone. Lahat ng pag-preorder ay ipoproseso sa batayang "maunang dumating, maunang aasikasuhin" ("first come, first served" basis) simula Hunyo 19. Tatanggapin ng mga kostumer na nag-preorder nang online ang kanilang iPhone 3GS sa mismong bahay o opisina nila; ang mga kostumer na nag-preorder sa isang tindahan ay makukuha ang sa kanila sa o makalipas ang Hunyo 19. Magbubukas nang maaga ang mga tindahan ng 7 a.m. sa Hunyo 19 tanging para sa mga kostumer na nag-preorder.

MGA PLANONG PANG-MAMIMILI

Makapipili ang mga kostumer ng AT&T sa ilang buwanang plano na nagsisimula sa halagang kasingmura ng $69.99 kada buwan para sa voice at unlimited data (e-mail at Web browsing). Lahat ng plano ay may kasamang pambansang long distance at roaming, Visual Voicemail, Rollover®, at unlimited na Mobile to Mobile na pagtawag.

Handog ng AT&T FamilyTalk® ang karagdagang halaga para sa mga pamilyang nagbabahagi ng minutes. Nagsisimula ang mga plano sa mababang halaga na $129.99 isang buwan para sa dalawang linya ngiPhone na may naka-bundle na voice at unlimited data. Hanggang tatlong karagdagang linya ng iPhone at maaaring idagdag sa halagang $39.99 bawat isa.

MGA PLANONG PANG-NEGOSYO

Ang mga kostumer na may maliit na negosyo ay maaaring magkwalipika para sa AT&T BusinessTalk®, isang planong may nababahaging minutes na sadya para sa maliliit na negosyo. Ang mga kumpanya ay maaaring magbahagi ng hanggang 20,000 na minutes kada buwan sa pagitan ng aabot sa 40 empleyado. Bilang karagdagan, ang mga may-ari ng negosyo at mga empleyado ng maraming negosyo ay karapat-dapat para sa diskuwento sa singil para sa serbisyo. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa isang AT&T business sales representative o bumisita sa www.att.com/iphoneforbusiness.

NETWORK

Ang AT&T ay gumagana sa pinakamalaking 3G network ng bansa, hatid ang lakas at benepisyo ng mobile broadband sa mga mamimili at negosyo. Ang iPhone 3GS ay magiging akma sa teknolohiyang High Speed Packet Access (HSPA) 7.2, na nagbibigay ng ipinapalagay na pinakamabilis na bilis ng pag-download na aabot sa 7.2 Mbps, kahit na ang mga aktuwal na bilis ay magbabago-bago kapag ang mga kakayahang ito ay magagamit. Binabalak ng AT&T na ilunsad ang HSPA 7.2 sa huling bahagi ng taong ito, at inaasahan ang pagkaganap sa 2011.

Bilang karagdagan sa binabalak na pag-upgrade ng bilis, pinaghuhusay ng AT&T ang saklaw nitong mobile broadband sa halos pag-doble ng wireless spectrum na inilaan sa 3G sa kalakhang kalunsuran para maihatid ang mas malakas na pagtanggap ng signal sa loob ng mga gusali at dagdag na pangkalahatang kapasidad ng network.

Sa ngayon, inaalok ng AT&T ang serbisyong 3G sa halos 350 pangunahing kalunsuran sa U.S., na may binabalak pang dagdag na 20 sa pagtatapos ng taong ito. Ang AT&T ay nangunguna rin sa Wi-Fi, hatid ang libreng broadband connectivity sa mga kostumer ng iPhone sa halos 20,000 hot spot kabilang na ang Starbucks at Barnes & Noble, at halos 80,000 hot spot sa buong mundo.

Ang karagdagang balita tungkol sa iPhone 3GS ay ipapaskil sa AT&T Media Newsroom sa www.att.com/iphone_news.

*Ang mga produkto at serbisyo ng AT&T ay ibinibigay o inaalok ng mga sangay at kasosyo ng AT&T Inc. na gamit ang tatak ng AT&T at hindi mismong AT&T Inc.

**Inaalok ang pinakamaraming wireless na teleponong gumagana sa pinakamaraming bansa.

Tungkol sa AT&T

AT&T Inc. (NYSE: T) ay isang nangungunang kumpanya sa komunikasyon. Ang mga sangay at kasosyo nito – mga kumpanyang kumikilos sa ilalim ng AT&T – ay mga tagapaglaan ng mga serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Gamit ang napakalakas na hanay ng mga pinagkukunang network na kabilang ang pinakamabilis na 3G network ng bansa, ang AT&T ay nangungunang tagapaglaan ng serbisyong wireless, Wi-Fi, high speed na Internet at voice. Handog ng AT&T ang pinakamahusay na saklaw sa buong mundo, handog ang pinakamaraming wireless na telepono na gumagana sa pinakamaraming bansa. Handog din nito ang mga serbisyong advanced TV sa mga tatak na AT&T U-verseSM at AT&T │DIRECTVSM. Ang hanay ng mga serbisyong pang-negosyo na nakatuon sa IT ay isa sa pinakaprogresibo sa mundo. Sa mga lokal na merkado, kilala ang mga organisasyong Yellow Pages ng AT&T at YELLOWPAGES.COM sa kanilang pangunguna sa paglilimbag ng direktoryo at sa kinikita sa pag-advertise sa kanila. Noong 2009, muling naitalang No. 1 ang AT&T sa industriya ng telekomunikasyon sa listahan ng FORTUNE® magazine na World’s Most Admired Companies.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at sa mga produkto at serbisyong inilalaan ng mga sangay at kasosyo ng AT&T ay makukuha sa www.att.com. Ang AT&T news release na ito at iba pang anunsiyo ay makukuha sa www.att.com/newsroom at bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss. O sundan ang mga balita namin sa Twitter sa @ATTNews. Tingnan kami sa Facebook at www.facebook.com/ATT para matuklasan ang marami pa tungkol sa mga serbisyo naming pang-mamimili at wireless o sa www.facebook.com/ATTSmallBiz para matuklasan ang marami pa tungkol sa mga serbisyo namin para sa maliliit na negosyo.

©2009 AT&T Intellectual Property Lahat ng karapatan ay inilalaan at pinanghahawakan. Ang AT&T, ang logo ng AT&T at lahat ng iba pang tatak na nilalaman ng lathalang ito ay mga tatak-kalakal ng AT&T Intellectual Property at/o ng mga kumpanyang may kaugnayan sa AT&T. Ang ibang mga tatak-kalakal na nandirito ay pawang mga pag-aari ng kani-kaniyang kumpanya.

Hayag Ng Babala Tungkol Sa Mga Pahayag Na Pang-hinaharap

Ang impormasyong itinakda sa press release na ito ay nagtataglay ng mga tantiya sa pananalapi at iba pang pahayag na panghinaharap na dumadaan sa pagsasapalaran at di-katiyakan, at ang mga aktuwal na resulta ay maaaring mag-iba ng nilalaman. Ang talakayan ng mga elementong maaaring makaapekto sa kalalabasan sa hinaharap ay nasa mga papeles ng AT&T sa Securities and Exchange Commission. Tinatalikdan ng AT&T ang anumang obligasyon na i-update at baguhin ang mga pahayag na nilalaman ng balitang ito batay sa bagong impormasyon o anupaman.