Shop For

Balita

Handog Ng AT&T Ang Pagkakataon Na Manalo Ng Libreng Bakasyon Papuntang 2008 Olympic Games Sa Beijing

Makakasali ang mga consumer sa 'How Are You Connected' to Team USA Sweepstakes mapa-online o sa pamamagitan ng Text Message

SAN ANTONIO, April 1, 2008 — Samantalahin ang pagkakataon na makapunta ng China ng libre para dumalo sa 2008 Olympic games sa Beijing. Ipinapaalam ngayon ng AT&T Inc. (NYSE:T) na walong mamimili o consumer ang mananalo ng bakasyon para sa dalawa papuntang 2008 Olympic Games sa Beijing bilang bahagi ng "How Are You Connected" to Team USA sweepstakes ng AT&T. Walong mananalo ng grand-prize ang tatanggap ng libreng airfare, world-class na tutuluyan, mga tiket para sa mga tampok na kaganapan sa Olympics at pagkakataon na makilala ang mga atleta ng Team USA ng AT&T. Iuugnay ng Olympic games ang mga mananalo, aanyayahan sila sa China upang masaksihan ang makasaysayang kaganapan at maranasan ng personal ang kagalakan dala ng palaro.

Mula Abril 1 hanggang Mayo 30, makakapagrehistro ang mga consumer para sa pagkakataong manalo (online) sa www.att.com/world. Ang mga kostumer ng AT&T sa serbisyong wireless ay maaari rin sumali sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message na "TeamUSA" sa numerong 2008 mula sa kanilang AT&T wireless device. Walang kinakailangan na bayaran sa pagsali, bagamat ipinapatupad ang regular na singil sa text.

Ang mga kalahok ay makakakuha ng bonus entry sa sa pamamagitan ng pagsumite ng isang sanaysay (essay), pag-upload ng litrato o video na may maikling paglalarawan tungkol sa kung paano sila naging kaugnay sa mga atleta ng Team USA ng AT&T, o sa pagsagot sa isang kuwestiyunaryo upang malaman kung paano sila naging kaugnay sa U.S. Olympic Team.

Isang grand prize ang iaanunsiyo linggo-linggo sa loob ng walong linggo simula Abril 14. Kabilang sa iba pang premyo ang 'Mario and Sonic at the Olympic Games' kasama ng mga Nintendo Wii game console, kagamitang pang-atleta at mga nilagdaang litrato ng mga atleta ng U.S. Olympics. Para sa karagdagang impormasyon sa Tagalog, visit www.att.com/world.

"Bilang isang pinagkakapuring isponsor ng U.S. Olympic Team, nais ng AT&T na iugnay ang mga Asian-American sa 2008 Beijing Olympic Games at Team USA," ani ni Jason Simpson, AT&T director of Olympic Integration.

"Sa pamamagitan ng 'How Are You Connected' sweepstakes, ang aming programang Tips and Training sa at ang aming mga pag-upgrade sa teknolohiya sa U.S. Olympic Training Centers, mayroong bukod-tanging access ang mga consumer sa impormasyon tungkol sa mga pinakamahuhusay na atleta ng Amerika."

Ang AT&T ay isang opisyal na isponsor ng U.S. Olympic Team at nagbibigay ng mahalagang suportang pinansiyal pati na ng mga produkto at serbisyo sa U.S. Olympic Committee. Ang AT&T rin ang opisyal na katambal sa mga serbisyong pang-telekomunikasyon ng U.S. Olympic Team sa Beijing, at ang kumpanya ay opisyal na katambal ng ilang pambansang kaluponang nangangasiwa, kabilang na ang USA Track & Field, USA Gymnastics, USA Swimming at USA Diving.

Ang AT&T Tips and Training ay isang orihinal na produksyon na nagbibigay sa mga fans at tagahanga ng access sa mga training tip na likas sa palakasan mula sa mga tampok na atletang AT&T U.S. Olympic sa pamamagitan ng AT&T blue room (www.attblueroom.com/teamusa). Makikita ng mga fans at tagahanga ang nilalaman ng programa sa tatlong screen: AT&T U-verseSM TV, sa blue room at sa wireless na mga aparato.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa isponsorsyip ng AT&T sa U.S. Olympic Team ay mababasa sa www.att.com/teamusa.

Para sa kumpletong lista ng mga inihahandog ng AT&T, pumunta sa www.att.com.

FIND MORE INFORMATION ONLINE
Related Media Kits: Related Fact Sheets:
Related News Releases: Web Sites:

Technorati Tags: AT&T, blue room, 2008 Olympic Games

Tungkol sa AT&T

Ang AT&T Inc. (NYSE:T) ay isang nangungunang kumpanya sa komunikasyon. Ang mga tanggapan at kasosyo nito, mga kumpanyang kumikilos sa ilalim ng AT&T, ay mga tagapaglaan ng mga serbisyong AT&T sa Estados Unidos at sa buong mundo. Kabilang sa kanilang mga inaalok ay ang pinakabagong IP-based na serbisyo sa komunikasyong pang-kalakal at ang nangunguna sa mga serbisyong wireless, high speed na internet at voice. Sa lokal na merkado, kilala ang AT&T sa paglimbag ng direktoryo at sa pangunguna sa advertising ng kanilang Yellow Pages at YELLOWPAGES.COM, at ang tatak na AT&T ay lisensyado sa mga tagasulong ng pagbabago sa larangang ng kagamitang pang-komunikasyon. Bilang bahagi ng three-screen integration strategy nito, ang AT&T ay pinalalago ang mga handog nito sa larangan ng libangang pang-telebisyon (TV entertainment). Ang karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at sa mga produkto at serbisyong inilalaan ng mga kapwa-kalakal at kasosyo ng AT&T ay matatagpuan sa www.att.com.

© 2008 AT&T Intellectual Property. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang AT&T at logo ng AT&T ay mga tatak-kalakal ng AT&T Knowledge Ventures. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring repasuhin ang anunsiyong ito sa newsroom ng AT&T at sa www.att.com/newsroom.

Paalala: Ang lathalaing ito ng AT&T at iba pang anunsiyo't balita ay magagamit bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring repasuhin ang anunsiyong ito sa newsroom ng AT&T at sa www.att.com/newsroom.

U.S. Olympic Committee
Ang United States Olympic Committee (USOC) ay kinikilala ng International Olympic Committee bilang tanging kaluponan sa United States na ang layunin ay ang magsanay, magpasok at managot sa kabuuhan ng mga gastusin ng mga U.S. team sa mga palarong Olympic, Paralympic, Pan American at Parapan American. Bilang karagdagan sa pagiging katiwala ng U.S. Olympic Movement, ang USOC ay ang nangungunang puwersa para sa pagtataguyod ng isports/palakasan sa Estados Unidos na nasa programa ng mga palarong Olympic, Paralympic, Pan American at Parapan American.