Shop For
NAGLABAS ANG AT&T NG IBA'T-IBANG MGA PARENTAL CONTROL
Nagtuturo at Nagbibigay-kapangyarihan ang AT&T Smart Limits sa mga Magulang sa pamamagitan ng Pagkonekta sa Kanila sa Safety Tools para sa Wireless, Wireline, Internet at Video Services
Hinihikayat ng Pangunahing Child Advocacy Expert Ang Kaligtasan, Seguridad, at Pagka-pribado
SAN ANTONIO , Peb. 9, 2007 – Inanunsyo ngayon ng AT&T Inc. (NYSE:T) ang isang komprehensibong Web site ng parental controls na idinisenyo upang turuan at bigyang-kapangyarihan ang mga magulang. Pinagsama-sama ng AT&T Smart Limits ang impormasyon para sa parental control features para sa lahat ng mga serbisyo ng AT&T – wireless, wireline, high speed Internet access at video – sa isang online portal.
Ang site – na mahahanap sa www.att.com/smartlimits – ay nagbibigay ng impormasyon at mga direksyon tungkol sa paggamit ng parental controls para sa wireless, Internet, video at home phone services mula sa AT&T. Sa features mula kontrol sa content hanggang sa mga blocker ng mga channel at mga telepono, tumutulong ang parental control para sa mga AT&T na serbisyong ito na magtatag ng mga mainam na hangganan sa teknolohiyang ginagamit ng mga bata araw-araw.
Ang AT&T Smart Limits ay isa pang halimbawa ng isang benepisyo mula sa pagkuha ng AT&T Inc. noong Disyembre 29, 2006, sa BellSouth Corp. at konsolidadong pag-aari ng AT&T Wireless – at tinatayuan nito ang pilosopiya ng kompanya ng pagpapasimple sa paggamit ng mga customer sa mga serbisyo sa komunikasyon, habang pinagsasama-sama ang wireless/wireline services sa mga paraang nagbibigay ng mga ispesipikong benepisyo para sa mga customer.
“Napakaraming impormasyon at entertainment ay nakakarating sa atin araw-araw mula sa wireless phones at wired phones, mula sa Internet, at mula sa telebisyon” sabi ni Randall Stephenson, ang AT&T chief operating officer. “Sa AT&T Smart Limits, binibigyan natin ang ating mga customer ng isang madaling pag-aralan at madaling gamiting paraan upang matuto kung paano pamahalaan ang content nito at magpasiya kung ano ang angkop para sa kanilang mga pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.”
Ayon sa child advocacy expert na si Ruth A. Peters, PhD, isang clinical psychologist at manunulat, pinalawak ng Internet at entertainment technology ang agwat ng komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga bata.
“Ang mga bata ngayon ay mas may may kaalaman sa teknolohiya – lalo na pagdating sa wireless services at sa Internet,” ayon kay Dr. Peters. “Kailangang maging aktibo ang mga magulang sa kung paano ginagamit ng kanilang mga anak ang teknolohiyang ito at sa nilalaman na maaari nitong ideliber. Ang AT&T Smart Limits ay isang mabuting paraan upang tulungan ang mga magulang na gampanan ang tungkuling ito.”
Kabilang sa AT&T Smart Limits site ang:
Wireless Smart – alamin kung paano kontrolahin ang mga binibili sa wireless at online access. Sa pamamagitan ng pag-access sa MEdia Net Parental Controls, maaaring limitahan ng mga AT&T Wireless customer ang mobile phone access sa ilang mga Web site, at limitahan ang bumili ng mga premium subscription at mga download, tulad ng mga games, ringtone at graphics.
Surf Smart – maghanap ng tools upang i-block ang mga Web site na naglalalaman ng mga hindi angkop at/o x-rated na bagay. Ang AT&T High Speed Internet at Dial na miyembro ay bibigyan ng parental controls package na nangunguna sa industriya, na nagpapahintulot sa mga magulang na i-filter ang content at i-customize ang security settings para sa bawat bata upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan habang online.
Watch Smart – alamin kung paano pamahalaan ang panonood ng TV ng iyong pamilya. Ang video parental controls na inaalok kasama ng video services na makukuha mula sa mga kompanya ng AT&T ay nagpapahintulot sa mga customer na gumawa ng mga bagay tulad ng pag-filter sa panonood batay sa pelikula o TV ratings at mag-block ng mga channel.
Talk Smart – alamin kung paano protektahan ang mga bata mula sa mga manloloko at hindi ninanais na tumatawag. Ang AT&T home phone calling features ay nagbibigay sa mga magulang ng iba't-ibang mga opsyon, kabilang ang kakayahang pamahalaan ang mga tawag na natatanggap, itigil ang mga hindi kilalang tumatawag, at/o i-block ang mga 900/976 na numero.
Pinaplano ng kompanya na dagdagan ang AT&T Smart Limits sa darating na panahon upang bigyan ang mga tao ng mas malaking kontrol sa content na nakikita ng kanilang mga pamilya.AT&T Smart Limits/magdagdag ng dalawa
Kasama ng pagsimula ng AT&T Smart Limits, pinaplano ng AT&T na ipagpatuloy ang programa nito sa edukasyon ng customer tungkol sa pagpapanatiling ligtas sa mga bata kapag gumagamit ng online, voice at data technology. Ang fact sheets tungkol sa kaligtasan sa Internet, telepono at wireless ay makukuha sa www.att.com/safety