Shop For
AT&T MAGBIBIGAY NG LIBRENG WI-FI ACCESS
Ang mga Kostumer ng AT&T Broadband ay Tatanggap ng Libreng Wi-Fi sa Mahigit 10,000 Hotspot ng AT&T sa Boung Bansa
SAN ANTONIO, January 22, 2008— Ipinahayag ng AT&T Inc. (NYSE:T) ngayong araw na mahigit sa 10 milyong subscriber ng AT&T broadband ang malapit nang magkaroon ng libreng unlimited access sa Wi-Fi network ng kumpanya, ang pinakamalaking Wi-Fi network sa Estados Unidos. Ang libreng handog na Wi-Fi ay magagamit ng mga bago at dati nang kostumer na naka-subscribe sa alinman sa mga serbisyong broadband ng AT&T na may bilis na aabot sa 1.5 Mbps, 3.0 Mbps, o 6.0 Mbps downstream.
Ang bagong handog na ito ay magsisilbing malaking benepisyo para sa populasyon ng mga Asian-American, kung saan ang paggamit ng Internet at Wi-Fi ay sadyang napakataas. Ang buhay ng mga Asian-American ay nauuwi sa malalim na pagkaka-ugnay sa internet, at sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng Wi-Fi sa mga subscriber ng broadband, pinahihintulutan ng AT&T ang mga kostumer nito na madaling makapasok sa internet gamit ang kanilang laptop o aparatong walang kawad (wireless device) sa loob mga coffee shop, bookstore, restaurant, airport, at iba pang lokasyon sa kabuuhan ng Estados Unidos ng libre.
“Ang mga mamimili ngayon ay umaasa at humihingi ng dekalidad, at nangungunang karanasan sa broadband — magmula sa presyo, sa mga kakayahan, sa seguridad, hanggang sa tuloy-tuloy, at maaasahang koneksiyon,” lahad ni Rick Welday, chief marketing officer, AT&T Consumer.“At sa aming palagay ay tama sila. Dapat lang na asahan, at matanggap, ng aming mga kostumer, ang mas mura at mas mahusay na mga ‘feature’ na kasama ng kanilang AT&T broadband service, saan man sila naroroon.”
Ang pagpapahusay na ito ay alinsunod sa mga hakbangin ng kumpanya na pataasin ang kalidad ng broadband sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan para manatiling konektado ang mga kostumer sa kani-kanilang mga daigdig. Pinapakita rin ng pagkilos na ito ang lumalawak na popularidad ng mga aparatong wireless — magmula sa iPhone hanggang sa mga PDA — batay sa mga ulat na mahigit sa ‘one-third’ (isa sa tatlo) ng mga gumagamit ng Internet ay nag-log on gamit ang mga wireless na koneksyon sa bahay, sa trabaho o sa iba pang lugar — na nagpapakita sa pagtaas ng mga ‘on-the-go connection’1.
Agad na makikinabang ang mga bagong kostumer ng broadband kapwa mula sa libreng handog na Wi-Fi, sa mga kwalipikadong plano ng broadband, at sa access sa AT&T Online Protection Suite sa oras na magpalista para sa serbisyong broadband ng AT&T mula sa isa sa mga nagbebenta para sa kumpanya, online sa website ng AT&T para sa mga wikang Asyano sa www.att.com/world o sa pamamagitan ng call center ng AT&T, na naglalaan ng serbisyo sa Tagalog. Ang pagkakonekta sa Wi-Fi ay pagaganahin oras na matanggap ng mga kostumer ang kanilang bagong serbisyong broadband at sa sandaling kanilang matapos ang pag-setup at pagrehistro bilang bagong kostumer. Matatagpuan ang isang komprehensibong listahan ng mga lokasyong may AT&T Wi-Fi sa www.attwifi.com.
Ang AT&T ay ang pinakamalaking tagapaglaan ng serbisyong broadband, na may 13.8 milyong linya ng broadband na nasa serbisyo magmula sa ikatlong bahagi (third quarter) ng 2007.
1 WIRELESS INTERNET ACCESS 2007, Pew Internet & American Life Project
2Nangungunang produktong anti-virus na software mula Disyembre 2000 hanggang Marso 2007 batay sa listahan ng ibinebenta ng NPD Group Top Selling Business Software .
Paalala: Ang lathalang ito ng AT&T at iba pang mga anunsiyo’t balita ay magagamit bilang bahagi ng isang RSS feed sa www.att.com/rss.