Mga gabay sa pagsali

Mula ngayon hanggang Mayo 30, 2008, makakapagrehistro ang mga parokyano para sa pagkakataon na manalo ng bakasyon para sa dalawa sa 2008 Olympic Games sa Beijing sa pamamagitan ng patimpalak na “How R U Connected 2 Team USA” (“Sa Paanong Paraan Ka Konektado Sa Team USA”) ng AT&T.

Hindi kinakailangan na ang isang kalahok ay subscriber ng mga serbisyo ng AT&T para sumali, at sila'y makakasali ng online sa www.howareyouconnected.com. May karagdagang opsyon ang mga subscriber ng AT&T wireless sa pagsali sa patimpalak sa pamamagitan ng text message.

Pagsali ng online:

  1. Magtungo sa ‘registration form’ para sa pagrehistro sa sweepstakes sa Olympics website ng AT&T (i-click dito para sa form)
  2. Ipasok sa mga patlang ang mga hinihinging mga impormasyon para ikaw aymakontak, kabilang na ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, email address, address pang-koreo, at numero ng telepono
  3. Isumite ang form at para makatanggap ng email na nagkukumpirma sa iyong pagsali

*May karagdagang bonus ng pagsali ang ipagkakaloob sa mga kalahok na may ini-upload na mga larawan, pagsagot sa kuwestiyunaryo, o pagsumite ng sarbey tungkol sa pakikipag-ugnay sa U.S. Olympic Team.

Pagsali sa pamamagitan ng pag-text:

Ang mga subscriber ng AT&T wireless ay madaling makakasali sa pamamagitan ng pag-text ng salitang “TeamUSA" sa numerong, 2008. Walang kinakailangan na bayaran sa pagsali, bagamat ipinapatupad ang regular na singil sa text.

Entry Form Sample 1

Entry Form Sample 2